^

Metro

Lim, namahagi ng relief sa mga lalawigan ng Bulacan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Bagamat hindi niya nasasakupan, personal na pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pamama­hagi ng relief goods sa mga residente sa mga lala­wigan sa Bulacan na naapektuhan ng bagyong Pedring at Quiel.

Sa pagtungo ni Lim sa Malolos, Paombong at Calumpit kasama sina Bulacan Gov. Wil­helmino Alvarado at Vice Gov. Daniel Fer­nando at Malolos Mayor Christian Natividad, walang pagod na ipinamahagi nito ang ilang mga panguna­hing pangangailangan ng mga residente ka­bilang na ang bigas, noodles, gamot at tubig­.

Nagpadala namang apat na truck ng relief si Lim sa bayan ng San Miguel, Bulacan.

Ayon kay Lim, walang pinipili ang pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo. Hanggang sa ngayon ay lubog pa rin sa tubig baha ang ilang lugar sa bayan ng Calumpit.

Malaki naman ang pasasalamat ni Alva­rado at Fernando sa walong truck na ibinigay ni Lim.

Anila, malaking tulong ito para sa kanilang mamamayan.

Nabatid naman kay Calumpit Mayor James de Jesus na abut-abot din ang kanilang pasa­salamat sa mga non-government organizations kabilang na si business tycoon Lucio Tan at mga local government unit tulad ni Lim dahil naglaan ito ng oras upang ihatid ng personal ang tulong na kailangan ng kanyang nasasakupan.

Aniya, napatunayan niyang nagtutulung-tulong pa rin ang mga Pilipino sa panahon ng krisis.

Si Lim ang ika­­lawang Metro Mayor na nagbigay ng tulong sa nasabing lalawigan.

vuukle comment

BULACAN

BULACAN GOV

CALUMPIT

CALUMPIT MAYOR JAMES

DANIEL FER

LIM

LUCIO TAN

MALOLOS MAYOR CHRISTIAN NATIVIDAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with