^

Sekyu utas sa holdaper

- Ni Mer Layson () - October 6, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang security guard ang binaril at napatay ng isang holdaper na nanloob sa binabantayan nitong convenience store sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Rizal Me­dical Center dahil sa tatlong tama sa katawan ay nakilalang si Rey Abagon, 31, ng Capitol Security Protective Agency at naninirahan sa Brgy. Kalawaan ng nasabing lungsod.

Naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa binabantayang Jewel 24 Hour Convenience Store ng biktima na makikita sa Saint Martin St., corner Capt. Henry Javier St., Brgy. Oranbo, Pasig City.

Sinasabing, mag-isang pu­masok ang suspek sa convenience store at agad nitong pinuntirya ang nakasukbit na kalibre 38 baril ng biktima.

Nang maagaw ang baril ay tatlong beses na pinaputukan ng suspek ang biktima saka dumiretso sa counter at tina­ngay ang hindi pa mabatid na dami ng pera.

Nang maisagawa ang pakay ay mabilis na tumakas ang suspek palabas ng hinoldap niyang convenience store.

BRGY CAPITOL SECURITY PROTECTIVE AGENCY CAPT HENRY JAVIER ST. HOUR CONVENIENCE STORE NANG PASIG CITY REY ABAGON RIZAL ME SAINT MARTIN ST.
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with