^

Metro

Maingay dinos-por-dos ng kapitbahay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang lasing na vendor nang hatawin ng dos-por-dos ng kaniyang kapitbahay na napikon sa ingay nito, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Nicasio del Castillo, ng Unit 83 Building 8, Temporary Housing Vitas, Tondo, Maynila.

Aminado naman ang arestadong suspect na si Danilo Flores, residente ng Temporary Housing na itinapon niya sa isang lugar ang ginamit na dos-por-dos kaya di narekober ng mga awtoridad.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima. Bago ang insidente, Biyernes ng gabi ay nakainom umano ang biktima at nagmumura at pag-iingay nito na nakabulahaw sa kanyang kalapit kuwarto.

Nang mahimbing na ang tulog ng biktima ay kumuha ng dos-por-dos ang suspect at hinataw ito sa mukha na ikinabasag ng bungo at lumabas ang   mata.

Bigo namang makatakas ang suspect nang rumesponde ang mga barangay tanod sa pangunguna ni Ramil Varona, team leader, ng Barangay 105, Zone 8.

“Madalas siyang magmura sa akin, araw-araw na lang, napakaingay niya. Hindi nga ako makatulog eh. Nagsumbong na ako sa barangay na laging ganun ang ginagawa niya sa akin kasi baka hindi ako makapagpigil tamaan siya sa akin. Inulit na naman kaya di ko na napigilan,” anang suspect na nakapiit sa MPD-Homicide detention cell. Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspect sa Manila Prosecutor’s Office.

AMINADO

BIGO

BIYERNES

DANILO FLORES

MANILA PROSECUTOR

MAYNILA

RAMIL VARONA

TEMPORARY HOUSING

TEMPORARY HOUSING VITAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user