^

Metro

Vendor dedo sa kainuman

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang isang 30-anyos na vendor nang barilin ng kanyang kainuman nang magkapikunan, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Danilo Garcia, ng Gate 3, Pier 2, North Harbor, Tondo, Maynila. Tinutugis naman ang isang alyas Buddy Celada, tinatayang nasa 27-30 ang edad at residente rin ng Gate 3 Pier 2, North Harbor, Tondo at isang hindi pa kilalang lalaki na tumakas matapos ang insidente. Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa isang makipot na eskinita sa Gate 2, Area A, North Harbor, Tondo. Magkasama ang biktima at isang Alvin Dio na nagtungo sa lugar at nadatnan ang suspect at tatlong iba pang lalaki na nag-iinuman. Inalok sila ng tagay hanggang sa tuluyan nang makipag-inuman subalit sa gitna ng pagkukuwentuhan ay nag-init umano ang suspect na si Buddy Celada sa biktima at pinukpok ito ng baril sa ulo. Tumakbo papalayo si Dio at nang makarinig na ng putok ng baril ay agad humingi ng tulong sa barangay hall. Doon na nakita ang nakahandusay na biktima, habang tumakas naman ang mga suspect.

vuukle comment

ALVIN DIO

AREA A

BUDDY CELADA

DANILO GARCIA

DIO

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

INALOK

KINILALA

MAYNILA

NORTH HARBOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with