^

Metro

Dahil sa yakap, barker utas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang jeepney barker makaraang saksakin ng isang jeepney driver na nagalit makaraan umanong yakapin ng una ang asawa ng huli dahil sa kalasingan sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Benito Diaz, 51, binata, ng Brgy. San Roque 1, Pasong Tamo sa lungsod.

Tinutugis naman ng awtoridad ang suspect na si Lito Dinglasa, 28, ng nabanggit ding barangay.

Nangyari ang insidente sa harap ng bahay ng suspect ganap na alas-6 ng gabi.

Bago nito, ayon kay Isidro Ferrer, nasa loob siya ng kanyang bahay nang dumating ang asawa ng suspect na si Bona at humihingi ng tulong para awatin ang nag-aaway na suspect at biktima sa kanilang bahay.

Agad namang nagtungo si Ferrer pero hindi na nito naabutan ang dalawa, sa halip ay ang natagpuan nito ang biktima na nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo. Nagawa pang itakbo ni Ferrer sa ospital ang biktima subalit idineklara rin itong patay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumilitaw na bago ang pananaksak, dumating umano ang biktima na lasing sa bahay ni Dinglasa.

Nang makita ng nasawi si Bona ay sinimulan itong yakap-yakapin dahilan para magalit ang mister ng una na humantong sa pagtatalo, hanggang sa nangyari ang pananaksak.

vuukle comment

BENITO DIAZ

BRGY

DINGLASA

ISIDRO FERRER

KINILALA

LITO DINGLASA

NAGAWA

NANG

PASONG TAMO

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with