^

Metro

Bading iniwan ng boyfriend, nagbigti

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi matanggap na iniwan siya ng kanyang boyfriend at ipagpalit sa isang babae, isang umano’y bading ang nagpakamatay kahapon sa Valenzuela City. Nakilala ang nasawi na si Jessie Marcelino, empleyado ng Valenzuela City Hall. Ayon sa pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito na nakabigit.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, nagtataka umano sila kung bakit hindi lumalabas ng kuwarto si Marcelino dahilan upang pasukin nila ang silid nito at doon natuklasan ang ginawa nitong pagpapakamatay. Ayon sa nakalap na impormasyon, nabatid na iniwan ang nasawi ng kanyang boyfriend at ipinagpalit ito sa tunay na babae. Hanggang sa kasalukuyan naman ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa insidente.

vuukle comment

AYON

BABAE

BIKTIMA

DAHIL

HANGGANG

JESSIE MARCELINO

MARCELINO

NAKILALA

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with