^

Metro

Customer dinedo sa restaurant

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang mister makaraang barilin sa ulo ng di-pa kilalang lalaki sa loob ng restaurant sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ni SPO2 Neil Garnace, ang napatay na si Cerlencio Torejos Man-os, alyas Junior ng Project 8 sa nasabing lungsod.

Naganap ang krimen sa loob ng Rey Violy’s Food House sa panulukan ng Dangay St. at Marig Street sa Barangay Ve­terans Village, bandang alas-11 ng gabi.

Ayon sa isa sa customer na si Efren Olivas, habang kumakain sila ng kanyang live-in partner sa naturang food house ay ginulat sila ng malalakas na alingawngaw ng putok ng baril.

Nang humupa ang putok at kanilang lingunin ang pinagmulan ay tumambad ang duguang katawan ng biktima na may tama ng bala sa ulo habang nakaupo pa sa harap ng kanyang mesang kinakainan.

Mabilis ding tumakas ang gunman na naka­suot ng maong na pantalon at itim na sombrero at animo’y walang naganap na pamamaril.

Sa kasalukuyan, blanko pa rin ang pulisya sa motibo ng pamamaril sa biktima.

vuukle comment

AYON

BARANGAY VE

CERLENCIO TOREJOS MAN

DANGAY ST.

EFREN OLIVAS

FOOD HOUSE

MARIG STREET

NEIL GARNACE

QUEZON CITY

REY VIOLY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with