^

Metro

Mag-syota nag-sex sa kotse, tiklo

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsa­kan ng mag-syota makaraang arestuhin ng pulisya na nagtatalik sa nakaparadang kotse­ sa madilim na bahagi ng terminal ng pampasaherong jeepney sa Brgy. Calum­pang, Marikina City kahapon ng madaling-araw.

Pormal naman kakasuhan ng pulisya ang magka­sintahang sina Alexis­ Linder­man, 31, tubong Netherlands, Human­ Resources Specialist at re­sidente ng Marigold Subd. sa Brgy. Burgos, San Mateo, Rizal,­ at alyas Catherine, 28, tubong Isabela.

 Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Gabriel­ Lopez, hepe ng Mari­kina City PNP, lumilitaw na dakong alas-4 ng ma­daling-araw nang maaresto ang dalawa matapos ma­aktuhan ng mga pulis at ba­rangay tanod na nagtatalik sa loob ng kotseng 4-door Sedan Hyundai na walang plaka.

Ayon kina PO3 Roy Quinito, PO1 Al-Nizzar Sappayani at mga tanod na sina Elgelbert Habana at Roderick Javier, sakay sila ng mobile patrol habang nagpapatrulya nang mamataan ang kotse ng dalawa.

Nagduda ang mga awto­ridad na may nagaganap na hindi maganda matapos na mapansin na yumuyugyog ang sasakyan.

Kaagad na nilapitan ng mga awtoridad at nang ilawan ay nakita ang dalawa na nagtatalik kaya inaresto at dinala sa presinto.

vuukle comment

BRGY

ELGELBERT HABANA

MARIGOLD SUBD

MARIKINA CITY

RODERICK JAVIER

ROY QUINITO

SAN MATEO

SEDAN HYUNDAI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with