PNP hindi pa nagbaba ng alerto

MANILA, Philippines - Mananatili muna sa full alert status ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pagbabalikan sa Metro Manila ng mga bakasyunista na nagtungo sa mga lalawigan nitong Semana Santa. Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo upang tiyakin ang seguridad ng mamamayan. Sinabi ni Bacalzo na inatasan na niya si NCRPO Chief P/Director Nicanor Bartolome para panatilihin ang maigting na pagbabantay sa mga bus terminals , daungan at paliparan. Bukod dito, ayon sa PNP chief dahilan ‘summer season’ ay patuloy ang pagtutungo sa mga probinsya ng mga Pinoy lalo na sa mga beaches, rest house kaya dapat manatili ang pagbibigay seguridad ng kapulisan. Samantalang nalalapit na rin ang Labor Day   sa Mayo 1 kaya ikinakasa na nila ang seguridad na ipatutupad lalo na sa Metro Manila kaugnay ng inaasahang paglulunsad ng kilos protesta ng iba’t ibang militante at labor groups.

Show comments