^

Metro

Nang-agaw ng baril tinigok ng pulis

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 23-anyos na lalaki na sinasabing nang-agaw ng baril matapos itong pagbabarilin ng pulis sa Navotas City, noong Huwebes ng umaga.

Tatlong bala ng baril at idineklarang patay sa Tondo Medical Center si Jerwin De Antonio ng Navotas West sa  nabanggit na lungsod.

Sa report ng pulisya, lumilitaw na nasamsaman ng baril si De Antonio kaya dinala sa presinto nina PO1 Ryan Gonzales, PO1 Ronnie Dela Cruz at PO1 Ernesto Camacho.

Habang patungo sa presinto lulan ng patrol car ay inagaw ni De Antonio ang baril ni PO1 Gonzales.

Bago pa maiputok ni De Antonio ang inagaw na baril ay pinutukan na ito ni PO1 Camacho.

Isinailalim na sa imbestigasyon at posibleng masibak sa tungkulin ang tatlong pulis na pinaniniwalaang naging pabaya matapos maagawan ng baril. 

vuukle comment

BARIL

CAMACHO

DE ANTONIO

ERNESTO CAMACHO

GONZALES

JERWIN DE ANTONIO

NAVOTAS CITY

NAVOTAS WEST

RONNIE DELA CRUZ

RYAN GONZALES

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with