^

Metro

Abortionist, buntis dinakma

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang abortionist matapos ma­aresto ng mga pulis sa aktong nag-a-abort ng babaeng buntis ng dalawang buwan sa Quiapo, Maynila.

Sa report ni P/Supt. James Afalla, hepe ng MPD-station 3, kinilala ang suspect na si Myla Castro alyas “Len-Len”, 34, ng #24 Basan St., Quiapo, Maynila at isinailalim na sa inquest proceedings sa kasong  paglabag sa Revised Penal Code, Article 256 o intentional abortion sa Manila­ Prosecutors Office.

Ang kliyenteng si Michelle delos Santos, 27, kawani ng bangko sa Binondo branch, tubong Magallanes, Cavite at nanunuluyan sa #2163 Mabuhay St., Sta. Ana, Maynila ay sinampahan din ng reklamong paglabag sa RPC Art. 258 o abortion practiced by the woman herself or by her parents.

Dakong alas-4 ng hapon nang madakip sina Castro at Santos matapos makatanggap ng impormasyon ang Plaza Mi­randa-Police Community Precinct commander na si P/Insp. Von Possel kaugnay sa isasagawang abortion sa bahay ni Castro.

Pinasok ng mga pulis ang bahay ni Castro at doon nadatnan na naka­higa si Santos habang nasa tabi nito si Castro na may hawak na parapher­nalias sa pag-a-abort kabilang ang 2 pirasong stainless forceps, bulak, white tissue paper, alcohol at baby oil.

Upang matiyak na buntis si Santos, ipinasuri siya sa Jose Reyes Memorial Medical Center na positibong 2-buwang buntis

vuukle comment

BASAN ST.

JAMES AFALLA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MABUHAY ST.

MAYNILA

MYLA CASTRO

PLAZA MI

POLICE COMMUNITY PRECINCT

PROSECUTORS OFFICE

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with