^

Metro

Misis dinedo ng lover na pulis saka nag-suicide

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kapwa patay at nabubulok na ang mga katawan ng police major at negosyanteng ka-live-in nito nang matagpuan sa loob ng condominium unit sa Concepcion Aguila Street, Quiapo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Insp. Armand Maca­raeg ang dalawa na sina P/Chief Insp. Johnton Nakihid  Albano, 30; at Lulu Baribal Andres, 36, ng Bambang, Nueva Vizcaya.

Nabatid na si Albano ay nakatalaga sa Regional District Investigation and Detective Management PRO-2 at hepe ng Research and Analysis Section ng R-7, na sinasabing kabilang sa PNPA Class 2002 habang si Andres­ ay may-ari ng ilang parlor, cellphone shop at kapwa pansamantalang nanunuluyan sa Rm. 812, University Convenience Flat condo­ sa #1113-1123 Concepcion Aguila Street.

Sa ulat nina SPO1 Gerry Rivera at PO2 Ramoncito Tolentino, dakong alas-10 ng umaga­ nang madiskubre ng security guard na si Andy Pelota, ang bangkay ng dalawa sa loob ng condo unit.

Sa pamamagitan ng cellphone ay na­kunan ni Pelota ang mga bangkay nang ilusot niya ang kamay sa nakakandadong silid.

“Sobrang baho kaya nag-round ako at napansin ko na hindi na lumalabas ang dalawa mula noong Huwebes (Enero 20) ng gabi,” pahayag ni Pelota sa pulisya.

Ayon pa sa ulat, gumamit ng duplicate key si Pelota matapos na hindi mabuksan ang pintuan ng condo unit ng dalawa.

Lumilitaw sa pagsisiyat na nagpaalam si Albano sa kanyang superior na dadalo sa police investigation officer course (PIOC) kung saan hindi na nakabalik.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nasa 4-araw nang patay ang dalawa.

Napag-alamang nasa lapag ang bangkay ni Albano na sabog ang bibig at may sugat sa bumbunan na posibleng exit point ng bala kung saan nasa ilalim ng kanang hita ang ginamit na 9mm pistola.

Nasa ibabang bahagi naman ng double deck ang bangkay ng babae na may tama ng bala sa batok at nakataas pa ang mga kamay na pinaniniwalaang sinasangga ang bala.

May teorya ang mga imbestigador na pinatay muna ng lalaki ang babae bago siya nagbaril sa bibig.

vuukle comment

ALBANO

ANDY PELOTA

ARMAND MACA

CHIEF INSP

CONCEPCION AGUILA STREET

GERRY RIVERA

JOHNTON NAKIHID

LULU BARIBAL ANDRES

NUEVA VIZCAYA

RAMONCITO TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with