^

Metro

Namaril ng kagawad, utas sa parak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang  36-anyos na lalaking lasing na nagwala at namaril ng isang barangay kagawad at driver nito, na kapwa nasa kritikal na kondisyon matapos mang-agaw umano ng baril habang iniimbestigahan sa loob ng Manila Police District-station 2, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Dennis Santos, suspect sa pamamaril sa mga biktimang sina Kagawad Emmanuel Jimenez, ng Barangay 47 Zone, District 1 at driver nitong si Luisito Maravilla.

Ayon kay MPD-Homicide Section chief, P/ Insp. Armand Macaraeg, isasailalim nila sa imbestigasyon sina SPO3 Rey Mira, PO2 Rodolfo Mayo, at PO3 Roman Jimenez para magbigay-linaw sa insidente ng pagkamatay ng suspect na si Santos. Isinumite na rin sa MPD-Scene of the Crime Operatives (MPD-SOCO) ang mga baril ng 3 pulis para sa kaukulang pagsisiyasat.

Dead-on-arrival sa Mary Jhonston Hospital si Santos nang magtamo ng tama ng bala sa dibdib na tumagos sa kanyang likod.  

Naganap ang pagkaka­baril kay Santos sa loob ng investigation room ng MPD-station 2 dakong alas-7:30 ng gabi.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Mario Asilo ng MPD-Homi­cide, dinala si Santos sa presinto ng mga tauhan ng MPD-District Mobile Patrol Unit matapos nitong mabaril   sina Jimenez at Maravilla.

Una rito, nagwawala umano si Santos kaya tinangkang arestuhin ni Kag. Jimenez sa may panulukan ng Barcelona at Morga Sts.sa Tondo dakong alas-6 ng hapon nitong Linggo subalit sa halip na sumama na lamang sa barangay ay binaril ang dalawa.

Iniimbestigahan ito ng mga pulis nang tangkain agawin ang baril ni SPO3 Mira. Nauwi sa agawan hanggang sa mabaril umano ito ni PO2 Mayo.

Habang isinusulat ang balitang ito, nasa malubha pang kalagayan sina Jimenez at Maravilla. 

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

DENNIS SANTOS

DISTRICT MOBILE PATROL UNIT

HOMICIDE SECTION

JIMENEZ

KAGAWAD EMMANUEL JIMENEZ

LUISITO MARAVILLA

MANILA POLICE DISTRICT

MARAVILLA

MARIO ASILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with