^

Metro

Sa bisperas ng pasko:Bebot kinatay ng ka-live-in

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Hindi na nagawa pang makapag-celebrate ng Noche Buena ang isang 46-anyos na babae nang pagsasaksakin at mapatay ng kanyang live-in partner   sa loob ng kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila ilang oras bago mag-Pasko.

Pinaghahanap na ng pulisya ang suspect na si Danilo Mendoza, 37-anyos na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

Duguan namang isinugod sa UST Hospital ang biktimang si Lilibeth  Quizon, ng Musa St. Sam­pa­loc, Maynila  subalit namatay din habang nilalapatan ng lunas makalipas ang ilang oras.

Sa ulat  ni  SPO2 Henry­ Ignacio, dakong alas-9:00 ng gabi nang marinig umano ng landlady na si Nena Llavore ang pagmumurahan ng biktima at suspect  sa inuupahang kuwarto ng mga ito na nasa ika-3 palapag ng nasabing bahay.

Nang bumaba na umano ang suspect at usisain sa pag-aaway ng dalawa, sinabi lamang ng suspect na sinampal niya ang kalive-in.

 Duda umano si Llavore kaya naisipang silipin ang silid at doon niya natiyak na ang pananahimik ng babae ay dahil sa duguan at nakahandusay ito sanhi ng mga saksak sa katawan kaya mabilis niya itong dinala sa ospital.

vuukle comment

DANILO MENDOZA

DUDA

DUGUAN

IGNACIO

LILIBETH

MAYNILA

MUSA ST. SAM

NENA LLAVORE

NOCHE BUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with