^

Metro

Kelot niratrat sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki na umano’y sangkot sa serye ng robbery holdup makaraang pagbabarilin ng isa sa apat na kalalakihan habang ang una ay naglalakad sa madilim na lugar sa lungsod Quezon kamakalawa.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Wandino Sarmiento, 38, ng Deparo St.,Brgy. Old Balara sa lungsod na siyang agad na ikinamatay nito.

Ayon kay SPO2 Neil Garnace ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, narekober sa bangkay ng katawan ng biktima ng siyasatin ang isang patalim na nakasuksok sa kanyang bewang at isang plastic sachet naman sa kanyang bulsa na naglalaman ng marijuana.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang pamamaril sa may Dupax St., sa naturang ba­rangay ganap na alas-7 ng gabi. Bago ang pa­mamaril, galing umano ang bik­tima sa panonood ng bilyar kung saan apat na kalalakihan ang matagal na nagmamasid sa kanya.

Kaya naman nang papauwi na ang biktima at naglalakad sa madilim na bahagi ng naturang lugar ay biglang sumulpot ang ilang suspect at walang habas itong pinagbabaril sa buong katawan saka tumakas.

Lumilitaw din sa pagsisiyasat ng pulisya sa mga residente, ang suspect umano ay sangkot sa serye ng robbery holdup na siya ngayong tini­tingnan nila na may kinalaman sa naturang pagpatay.

Narekober din sa lugar ang ilang basyo ng bala ng kalibre 45 at basyo ng bala ng kalibre 9 mm na ginamit sa pamamas­lang sa biktima.

vuukle comment

AYON

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DEPARO ST.

DUPAX ST.

KAYA

NEIL GARNACE

OLD BALARA

QUEZON CITY POLICE

WANDINO SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with