^

Metro

Ex-pulis na akyat-bahay arestado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Arestado ang dating pulis at kasamahan nito na kapwa miyembro ng ng Akyat-Bahay Gang matapos na maaktuhang nagnanakaw sa bahay ng isang nurse sa Quezon City kahapon ang madaling-araw.

Kalaboso ang binagsakan ng mga suspek na sina Franklin Reyes, 42, may-asawa, dating opisyal ng pulis na nasibak dahil sa kasong absent withouth leave (AWOL), at residente sa B-225, Lot 12, Phase 8, North Fairview, QC; at Raymond Hernandez, 24, ng #7 BF Homes Caloocan City.

Nakorner ang dalawa sa garahe ng bahay na kanilang pinagnakawan na si Edilfonso Manuel, 31, nursing attendant sa #5 Ilang-ilang St., Ramirez subd., North Fairview.

Ayon kay PO2 Rolando Aliguere Jr., narekober ang mga gamit tulad ng dalawang sporting cap, dalawang canon camera habang nawawala naman ang college ring (P40,000); P35,000 at $200 cash; Diamond earings P150,000; gold bracelet P80,000; gold necklace P70,000; at gold ring (P210,000).

Namataan ni SFO4 Restituto Serrano ang dalawa na pagala-gala sa loob ng bahay ng biktima kung saan inakala na pamangkin lamang ito ng may-ari, subalit nang ma­laman niyang wala ang huli sa bahay ay nagpasyang magtungo sa barangay para humingi ng tulong.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

ARESTADO

EDILFONSO MANUEL

FRANKLIN REYES

HOMES CALOOCAN CITY

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY

RAYMOND HERNANDEZ

RESTITUTO SERRANO

ROLANDO ALIGUERE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with