Amok todas sa pulis
- Ni Ludy Bermudo () - September 1, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dedo sa pulisya ang isang lalaking nag-amok na nang­ha­habol ng itak sa Singalong, Maynila kahapon ng mada­ling-araw.

Isinugod pa ng mga awto­ridad sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang inilarawan sa edad na 20-25 anyos, may taas na 5’6’’ hanggang 5’7’’, nakasuot ng itim na maong short pants at blue na t-shirt.

Sa ulat ni Det Edison Ber­toldo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa may Alejo Aquino St., Singalong.

Nabatid na habang nag-iikot ang mobile car no. 3901 na kinalululanan nina SPO2 Jose Dadu, PO3 Jexover Torri­franca, PO3 Lexter Ma­donba at SPO2 Maximo Bus­tamante, pawang nakatalaga sa MPD-Station 9 nang salu­bungin sila ng ilang nagtatak­bu­hang resi­dente at isum­bong ang pag-aamok ng suspect.

Sa pagresponde, nama­taan umano ng mga pulis na pa­palapit sa kanilang sasak­yan ang lalaki na may hawak ng itak at akmang susugurin sila. Bago pa umano maka­lapit sa unahang bahagi ng mo­bile car ang suspect ay   pina­putukan na ito ng pulisya.

ALEJO AQUINO ST. DET EDISON BER ISINUGOD JEXOVER TORRI JOSE DADU LEXTER MA MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION MAXIMO SHY SINGALONG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with