^

Metro

Lola lasog sa bus

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang 81- anyos na lola makaraang mabundol at masagasaan ng isang pampasaherong bus sa kaha­baan ng EDSA, Quezon City kahapon ng umaga. Sa ilalim na ng bus natagpuan ang walang buhay na katawan ng biktimang si Conchita Luma, residente sa Phase 4, Block 88, Lot 2, Mabuhay City, Dasmariñas, Cavite. Hawak naman ng traffic Sector 4 ng Quezon City Police, ang driver ng bus na si Crisanto Cipres, 30, ng Pamplona Compound, Batasan Hills sa lungsod.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may Edsa, Santolan partikular sa harap ng Camp Crame ganap na alas-11:30 ng umaga. Diumano binabagtas ng Express bus (TWZ-433) ang nasabing lugar nang biglang mabundol nito ang biktima.

Ayon kay Cipres, nagulat na lang umano siya nang sabihin sa kanya ng kasamahang konduktor na may nabangga siya dahil hindi naman umano niya ito naramdaman. Matapos mabangga ay nasagasaan pa ng bus ang biktima sanhi upang tuluyang mala­gutan ito ng hininga. Inihahanda na ang kasong reckless impru­ dence resulting in homicide laban sa driver ng bus.

AYON

BATASAN HILLS

BUS

CAMP CRAME

CONCHITA LUMA

CRISANTO CIPRES

MABUHAY CITY

PAMPLONA COMPOUND

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with