SUV inararo ng tren: 3 kritikal

MANILA, Philippines - Umabot ng kalahating oras bago tulu­yang na­ilabas mula sa nayuping sport utility vehicle (SUV) ang apat na miyembro ng isang pamilya, kabilang ang isang tabloid reporter, nang salpukin at kalad­karin ng isang tren ng Phi­lippine National Rail­ways (PNR) sa bahagi ng J. Abad Santos Avenue at Old Antipolo St., sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Isinugod sa Metropo­ litan Medical Center ang mga biktimang kinilalang sina Eduardo Tabura, 49, adviser/field re­porter ng Daily Balita; maybahay nitong si Do­minga, 48; at anak nilang si Michael, 25, pawang residente ng #17 Bernadette st., 8th Ave­nue, Caloocan City bunga ng mga sugat at pasa na tinamo sa katawan. Pa­wang nasa malubhang kalagayan ang tatlo. Ligtas naman sa insidente ang isa pang anak na si Daniel Tabura.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ni PO2 Sergio Ma­caraeg ng Manila Po­lice District-Traffic Bureau, dakong ala-1 ng hapon nang maganap ang insi­dente sa panu­lukan ng na­sabing mga kalye.

Sinabi ni Melanio Cla­veria, 25, signal man, pina­hinto umano niya ang sa­sakyan ni Tabura na isang kulay berdeng Toyota Revo (WLS-527), na pa-north-bound habang ang tren ay paparating sa di­reksiyon ng Tutuban, nang hindi umano huminto si Eduardo, ang nagma­maneho.

Hindi umano napansin ng signal man na tumuloy ang kotse ng mga biktima habang nakatalikod siya at sumesenyas na huminto naman ang kabilang direk­siyon ng paparating na mga sasakyan nang ma­gulat siya sa nakalusot na sasak­yan ng mga biktima, at pagsalpok ng rumara­gasang tren na ikinapipi ng mga biktima at naka­ladkad pa ng ilang metro.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Philip­pine National Red Cross at traffic officer subalit nahi­rapan silang ilabas mula sa sasakyan ang pamilya ng biktima.

Patuloy pa rin ang isi­nasagawang im­bestigas­yon sa insidente.

Show comments