^

Metro

Sekyu dinurog ng kawatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Halos madurog ang bungo ng isang security guard matapos na bagsakan ang mukha nito ng isang sako na puno ng debris ng hinihinalang magnanakaw na nanloob sa mismong bina­bantayan niyang kompanya sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Gene Yape, 24, ng Block 10, Lot 10, Francisco Homes II, San Jose Del Monte Bulacan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, robbery ang tinitignan nilang motibo sa krimen dahil nawawala ang service firearm na .9mm pistola ng biktima.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima sa may bina­bantayan nitong Chemsol Inc. na matatagpuan sa 5 D. Muñoz St., corner V. Subdivision Tandang Sora sa lung­sod ganap na alas-6:50 ng umaga.

Nabatid pa na nababalutan ng sako na puno ng concrete debris ang biktima nang matagpuan at nang kanila itong alisin ay bumulaga sa kanila ang matinding pin­salang natamo nito sa kanyang ulo.

Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasabing insidente upang matukoy ang nasabing salarin.

vuukle comment

AYON

CHEMSOL INC

FRANCISCO HOMES

GENE YAPE

KINILALA

NABATID

NADISKUBRE

QUEZON CITY

SAN JOSE DEL MONTE BULACAN

SUBDIVISION TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with