^

Metro

Holdaper utas sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nabawasan na naman ang mga notoryus na holdaper sa Tondo, Maynila makaraang mapatay ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 2 ang isang 24-anyos na binatang matagal na umanong itinutu­rong sangkot sa serye ng holdapan.

Dead-on-the-spot si Ale­jandro Suñiga, ng Parola Com­pound,Tondo matapos na ma­kipaglaban sa mga pulis na nag­sasagawa ng operasyon laban sa mga kilabot na hol­daper.

Sa ulat ni SPO3 Paul Dennis Javier, dakong 2:45 ng hapon ng maganap ang na­sabing insidente sa Gate 13, Parola Compound, Tondo.

Nabatid kay MPD-Station 2 chief, Supt. Ernesto Tendero na ilang ulit umanong itinatawag sa kanilang opisina ang ilang ulit na pambibiktima ni Suñiga sa mga pasahero ng dyip.

Agad namang pinostehan ng mga tauhan ni Tendero ang lugar at nang mamataang naka­tambay ay tinangkang hulihin   ito subalit pinaputukan nito ang mga pulis kaya’t ginantihan ng putok ng mga awtoridad.

vuukle comment

ERNESTO TENDERO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

NABATID

PAROLA COM

PAROLA COMPOUND

PAUL DENNIS JAVIER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with