AGRA ng Meralco kukuwestiyunin sa SC

MANILA, Philippines - Malamang na magbalik na naman ng katakut-takot na” refund­” ang Manila Electric Company (Meralco) sa mga consumer nito sa sandaling pabo­ran muli ng Supreme Court, ang nakatakdang petis­yon na isasampa  ng isang Non Government Organization (NGOs) na nagbabantay sa  mga regulatory  industry.

Sa pulong Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Jun Simon, spokesman ng Nagkakaisang Alyansa ng Mamamayang Pilipino (NAMP) ang  Automatic Generation Rate Adjustment (AGRA) na kukuwestiyunin nila sa SC ang ipinatutupad ng Meralco kapag nagkakaroon  din ng adjustment sa presyo ng krudo o dolyar.

Sinabi ni Simon na ba­gama’t nakatali sa EPIRA law ang pagkolekta ng AGRA, ito umano ay “Unconstitutional”, sanhi ng hindi pagdaan sa public­ hearing.

Nabatid na naging depensa ng Meralco ang kanilang pag­kalugi sa sandaling magkaroon ng adjustment sa presyo ng dolyar o krudo, kaya sila pinag­kalooban ng Kongreso ng AGRA.

Iginiit ni Simon na sa san­daling paboran ng SC ang kanilang petisyon, maglalabas ng daang bilyon ang Meralco para sa refund sa mga consumer nila.

Samantala, ibinulgar din ni  Simon na nadiskubre umano ang pakikipagsabwatan ng Nationa­l Power Corporation (Napocor) sa Iligan Electric Power Company para  sa pag­kuha ng nakaw ng kuryente ng kumpanya sa Napocor.

Ibinulgar umano ng isang Jojo Borja, ng IEPC, ang nadis­kubreng paggamit ng jumper ng kumpanya sa pag­kuha ng kuryente sa Napocor, kung saan sanhi para malugi ng malaki ang gobyerno.

Show comments