Sa loob ng boarding house sa Maynila: Nursing reviewer natagpuang patay

MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na nursing reviewer ang natagpuang patay sa loob ng kanyang boarding house sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Kaydee Fernando ng Pampanga na katatapos pa lamang ng kursong nursing at naka­takdang magreview para sa board exams sa Manila. Umuupa ito ng boarding house sa may Instruccion corner Dapitan Sts. sa Sampaloc kasama ang lima pang lalaking boarder.

Nabatid na ang kasama nitong boarder na si Richard Calvin Madayag ang nakadiskubre sa wala nang buhay na biktima na nakadapa sa sahig malapit sa tinutulugan nito.

Wala namang nakitang anumang external injury ang pulisya sa labi ng nasawi maliban sa dugo na umagos sa ilong nito.

Ayon sa mga kaanak ng nasawi wala silang alam na anumang karamdaman si Kaydee at malusog ang pangangatawan nito.

Malaki ang kanilang hinala na may naganap na foul play sa pagkamatay nito.

Patuloy naman ang isinasagawa pang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.

Show comments