^

Metro

Estibador todas sa resbak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay sa pamamaril ang isang 33-anyos na estibador nang resbakan umano ng kaanak ng inupakan nito sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jack de Guzman, binata, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang at walang perma-nenteng tirahan sanhi ng tinamong tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo. 

Sa ulat ni Det. Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homi-cide Section, dakong alas-8:15 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa center island ng C.M. Recto Ave., harapan ng Fiesta Shopping Plaza, Binondo, Maynila. Nabatid na nakaupo sa center island at nakikipag-usap ang biktima sa isang kakilala nang sumul-pot ang suspect sa likod at inasinta ng baril ang ulo ng biktima. Ma-bilis na tumakas ang sus-pect matapos ang isina-gawang krimen. 

Sa pahayag ng live-in partner ng biktima na si Wilma dela Cruz, noong Miyerkules ay nakaaway umano ng biktima ang isang alyas “Ute”, na nakasuntukan at naospital sa Gat Andres Boni-facio Hos-pital kaya’t posibleng ang kaanak nito ang rumesbak.

vuukle comment

BINONDO

CRUZ

FIESTA SHOPPING PLAZA

GAT ANDRES BONI

GUZMAN

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

MAYNILA

RECTO AVE

SIGUE-SIGUE SPUTNIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with