^

Metro

Indian national patay sa ambush

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 25-anyos na Indian national matapos na pagbaba­rilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek, habang sakay ng kanyang mo­torsiklo, sa tapat ng isang vulcanizing shop, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Bala mula sa kalibre .45 baril ang ginamit sa pamamaril sa ulo na tumagos sa kaliwang mata ng biktimang kini­lalang si Baljinder Singh, ng Silangan st., Maypajo, Caloocan City.

Sa ulat ni Det. Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 10:30 ng umaga nang maga­nap ang pananambang sa biktima sa harap ng Helen Vulcanizing Shop, na matatagpuan sa panulukan ng Radial 10 at Capulong High­way,Tondo, Maynila.

Sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo na may plakang ZN-5221 nang pagsapit sa nasabing lugar ay big­lang sumulpot sa likuran ang isang di kilalang lalaki na dalawang ulit na pinaputukan sa likod ng ulo ang biktima. Ma­bilis ding tumakas papa­sok sa isang eskinita ang suspek bitbit ang ginamit na baril.

Ayon kay Lumbad, walang nais na mag­salita sa mga residente sa lugar hinggil sa na­ganap na pamamaril.

Narekober sa bulsa ng biktima ang kaniyang wallet na may P1,200 cash, driver’s license at cellphone.

Dinala na sa St. Harold Funeral Homes ang bangkay ng bik­tima. Patuloy pa ang imbes­ tigasyon sa kaso upang matukoy ang respon­sable sa krimen at motibo ng pamamas­lang.

vuukle comment

AYON

BALJINDER SINGH

CALOOCAN CITY

CAPULONG HIGH

HELEN VULCANIZING SHOP

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RICHARD LUMBAD

SHY

ST. HAROLD FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with