Balwarte ni Atienza, kukunin ni Lim
MANILA, Philippines - Hindi paaawat si Manila Mayor Alfredo Lim na kunin ang pagmamahal ng mga Manilenyo matapos na makopo rin nito ang 5th at 6th district na sinasabing balwarte ni dating Environment Secretary Lito Atienza.
Sa resulta ng survey ng Stratpolls, lumilitaw na nananatiling nangunguna si Lim sa 1st, 2nd, 3rd, 4th at maging sa 5th at 6th district kung saan nakakuha ito ng 61 porsiyento kumpara kay Atienza na 25 porsiyento lamang.
Isinagawa ng Stratpolls ang survey noong Abril 29, 2010 sa may 1,200 respondents sa Maynila. Maging sa kategorya ng kasarian, socio eco class at age bracket ng mga respondents, hindi nagbabago ang porsiyento ng boto ni Lim.
Umaabot din sa 80 porsiyento ng mga residente sa bawat distrito ang dumagsa sa motorcade ni Lim araw-araw.
- Latest
- Trending