^

Metro

Kotse ng barangay chairman, sinunog

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sinunog  ang kotse ng isang barangay chairman ma­tapos hagisan ng  molotov bomb ng hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ang may-ari ng kotse na si Emmanuel Cruz, 42, chairman ng Barangay 79 ng nabanggit na lungsod.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang suspek.

Naganap ang insidente dakong alas-3 ng umaga  sa harapan ng bahay ni Chairman Cruz sa kahabaan ng Nangka St., ng naturang barangay. Nabatid na naka­parada ang Toyota Hilux ni Cruz sa nabanggit na lugar, nang hagisan ito ng bote na naglalaman ng gasolina.

Nagliyab ang naturang sasakyan at bago pa maka­damay ay naapula ang apoy kung saan nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CHAIRMAN CRUZ

CRUZ

EMMANUEL CRUZ

KINILALA

NABATID

NAGANAP

NANGKA ST.

TOYOTA HILUX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with