^

Metro

Kit Belmonte tuloy ang laban

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Walang balak umatras sa pagtakbo bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Quezon City si Atty. Kit Belmonte kahit ginigipit at tinatakot siya ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Sinabi ni Belmonte na, kahit gipitin at takutin siya ng kanyang kalaban, tuloy pa rin ang kanyang pagtakbo.

Si Belmonte ang nangungunang kandidatong kongresista sa ikalawang distrito na, rito, katunggali niya si Councilor Allan Francisco.

Kamakailan ay anim na tauhan ni Belmonte na kasama sa Operation Dikit ang umano’y dinukot, tinakot at pinukpok sa ulo ng ama ng konsehal na si Tony Francisco sa P. Dela Cruz St., San Bartolome sa naturang lunsod.

Dinala ang mga tauhan ni Belmonte sa mismong headquarters ni Francisco sa San Bartolome at doon daw ay binugbog at pinagbantaan silang papatayin habang naroroon din si Jonjon Francisco na tatakbo din daw na konsehal.

vuukle comment

BELMONTE

COUNCILOR ALLAN FRANCISCO

DELA CRUZ ST.

DINALA

JONJON FRANCISCO

KIT BELMONTE

OPERATION DIKIT

QUEZON CITY

SAN BARTOLOME

SI BELMONTE

TONY FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with