Madre pumalag sa holdap, binoga

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 59-anyos na madre nang barilin ng isang holdaper makaraang tumanggi ang una na ibigay ang dalang bag na naglala­man ng pera na pampa­sahod sa mga kawani ng pinag­ sisilbihang kum­bento, sa Sta. Ana, May­nila, kama­kalawa ng hapon.

Kasalukuyang inoob­serbahan pa sa Makati Medical Center  ang bik­timang si Sister Theresa Thomas Folanchery, In­dian national, ng Sisters of Charity of Saint Anne, na matatagpuan sa 2383 Tejeron St., Sta. Ana.

Sa ulat ng pulisya, ini-report lamang ang insi­dente sa pulisya ni Sister Rolita Nuevaespana, ka­samahang madre ng bik­tima kahapon ng umaga.

Nabatid sa report kamakalawa na dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente sa harap ng nasabing kumbento.

Matapos umanong mag-withdraw ng hala­gang P95,000. ang bik­tima sa banko at nagla­lakad pabalik sa kum­bento ay biglang sumala­kay ang suspect na lulan ng motorsiklo at tinang­kang agawin ang bitbit na bag ng madre. Nakipag­hilahan pa ang madre sa bag kung kaya binaril ito ng suspect saka tuluyang naagaw ang pakay at saka ma­bilis na tumakas.

Bukod pa sa bag ay tinangay din umano ang dalang cellular phone, ATM card at pass book ng biktima.

Show comments