^

Metro

Nagpo-protestang mga doktor, nadagdagan pa

-

MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ang sumama kahapon sa mga doktor ng Philippine General Hospital sa isinasagawang muli nilang kilos-protesta sa main entrance ng pagamutan para sa hinihinging katarungan sa pagsibak sa dating director ng ospital nang walang due process.

Nais nila na ibalik sa pagiging director si Dr. Jose Gonzales, kaya isang vigil ang kanilang isinagawa sa harapan ng pagamutan, ani Dr. Jonas Del Rosario, pinuno ng Laban-UP PGH. Bukod aniya, sa 60 consultants na sumali sa kanilang protesta noong nakalipas na linggo, nadagdagan pa ang naki­kiisa sa mass leave na aabot na sa 100. Hindi umano sila pasi­sindak sa banta na memorandum na inisyu ng Civil Service Commission (CSC).

Ayon naman kay Dr. Iggy Agbayani, may 50 doktor ang maghahain ng official LOA ngayon (Martes) .

Base naman sa pahayag ni PGH deputy director for nursing na si Ma. Rita Tamse, walang isa mang nurse na sumama sa kilos protesta ng mga doktor dahil sa kabuuang 1,100 nurses ng PGH, apat ang naka-sick leave at wala sa mga ito ang sumama. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AYON

BUKOD

CIVIL SERVICE COMMISSION

DR. IGGY AGBAYANI

DR. JONAS DEL ROSARIO

DR. JOSE GONZALES

LABAN

LUDY BERMUDO

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

RITA TAMSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with