^

189 katao sa Maguindanao masaker, pinaaaresto ng korte

() - March 26, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ipinaaaresto ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang 189 na katao na sangkot sa Maguindanao masaker.

Ito ay makaraang magpalabas si QC RTC Judge Jocelyn Solis Reyes ng Branch 221 ng warrant of arrest laban sa mga ito kaugnay sa 56 na kaso ng pamamaslang. Kabilang sa mga ipina­aresto ay ang ilang miyembro ng pulisya, CAFGU, sibilyan at iba pang kaanak ng mga Ampatuan.

Partikular na binanggit sa warrant ang mga elemento ng 15th Regional Mobile Group sa Autonomous­ Region in Muslim Mindanao, 157th at 158th Police Provincial Mobile Group na nakata­laga sa Maguindanao.

Wala namang ipinalabas na piyansa si Judge Solis Reyes para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspek. (Angie dela Cruz)

AMPATUAN ANGIE CRUZ IPINAAARESTO JUDGE JOCELYN SOLIS REYES JUDGE SOLIS REYES MAGUINDANAO MUSLIM MINDANAO POLICE PROVINCIAL MOBILE GROUP QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT REGIONAL MOBILE GROUP
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with