^

Metro

Guro natagpuang patay

-

MANILA, Philippines - Natagpuan kahapon ng umaga ang bangkay ng isang 55-anyos na guro ng Manila Science High School sa loob ng inuupahan nitong silid sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Luvimindo Soriano, 55, binata, ng 7 Acacia St., Bo. Magsaysay, Tondo.

Sa imbestigasyon ni Det. Gerry Amores ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9 ng umaga nang madiskubre ang nabubulok na bangkay ng biktima sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto.

Sinabi ng isa pang okupante na si Gina Traje, noong Biyernes ng gabi nang huli niyang makitang buhay ang guro nang bumili pa sa isang sari-sari store bago pumasok sa kanyang kuwarto.

Nadiskubre lamang ang bangkay matapos na ma­langhap ang mabahong amoy buhat sa tinutuluyan nito. Nang buksan ang silid ay nakitang nakaupo ang bangkay na hinihinalang inatake habang umiinom ng alak. Ito umano ay mag-isa lamang na nagungupahan sa na­sabing silid.Patuloy pa rin ang isinasagawang imbesti­gasyon ukol dito. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ACACIA ST.

BIYERNES

GERRY AMORES

GINA TRAJE

KINILALA

LUDY BERMUDO

LUVIMINDO SORIANO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA SCIENCE HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with