^

Metro

4-anyos hulog sa estero, patay

-

MANILA, Philippines - Patay na nang madiskub­reng nahulog sa isang ma­burak na estero ang isang 4-anyos na batang lalaki, ma­tapos matulog sa nakapara­dang tricycle,  sa Tondo May­nila kahapon ng umaga.

Dakong alas-7 na ng uma­ ga nang makitang lumu­lutang sa Estero de San Lazaro, sa Old Antipolo St., Tondo, ang biktimang kinila­lang si Cholo de Jesus, na sina­sabing kara­rating pa lamang sa Maynila noong Huwebes, mula sa Tarlac, Tarlac. Inihatid ito ng kaniyang lola sa tiyuhing si Danilo de Jesus, 19, tricycle driver at walang permanen­teng tirahan sa Maynila.

Sinabi ni Danilo na katabi niyang natulog sa pampa­sada niyang tricycle ang paslit dakong alas-2 ng madaling- araw. Dakong alas-7 ng umaga ay ginising siya ng helper sa isang auto parts merchandising na si Domingo Lavenia at sinabing   nakalu­tang na sa estero ang kan­yang pamangkin.

Sa imbestigasyon ni Det. Gerry Amores ng Manila Po­lice District-Homicide Section, posibleng aksidente ang pag­kakahulog ng biktima sa estero dahil walang harang o gutter ang gilid ng estero kung saan nakaparada ang tinulu­gang tricycle ng biktima at tiyuhin nito.

“Hiwalay ang magulang ng biktima kaya iniwan na la­mang ito sa kanyang lola, ka­ka­luwas lamang nila noong isang araw, ” ani Amores.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbesti­gas­yon ukol dito. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

DAKONG

DANILO

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

DOMINGO LAVENIA

GERRY AMORES

LUDY BERMUDO

MANILA PO

MAYNILA

OLD ANTIPOLO ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with