^

Metro

Inhinyero binoga ng kaalitan

-

MANILA, Philippines - Isang inhinyero ang suga­tan makaraang barilin ng isang dating kaalitan habang sakay ng kani-kanilang sasak­yan sa Barangay Kaunlaran, Quezon City, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang biktima na si Jerald Labre, 29, ng #73 Boston St., Barangay Kaunlaran at ngayon ay ginagamot sa St.Luke’s Medical Center dahil sa tama ng bala sa kali­wang balikat.

Patuloy naman ang imbes­tigasyon ng awtoridad upang matukoy ang suspek na sakay ng isang itim na Nissan Cefiro na hindi napla­kahan at mabilis na tumakas.

Sakay ng kanyang Hyun­dai Tucson (ZPH-188) ang biktima at papauwi na sa kanyang bahay nang sundan ito ng suspek sakay ng kan­yang Nissan Cefiro.

Kasunod nito, biglang bu­musina ng sunod-sunod ang naturang sasakyan saka umovertake sa kotse ng biktima.

Sa puntong ito, kapwa nagbukas ng bintana ng ka­nilang kotse ang dalawa at saka nagkom­prontahan na nauwi sa ma­initang pagtatalo.

Ilang sandali, nagbunot ng kanyang baril ang suspek bago pinaputukan ang bik­tima sa kaliwang bahagi ng kata­wan at tumakas. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BARANGAY KAUNLARAN

BOSTON ST.

HYUN

ILANG

JERALD LABRE

MEDICAL CENTER

NISSAN CEFIRO

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with