^

Metro

Rape victim ayaw pakasalan:Electrician ipinakulong

-

MANILA, Philippines - Isang 38-anyos na electrician ang inakusahan ng panggagahasa sa isang 18-anyos na dalagang isip-bata sa loob ng isang barracks sa Harbor Center, Tondo, Manila makaraang tumanggi siyang pakasalan ang biktima.

Kinilala sa ulat ng pu­lisya kahapon ang suspek na si Rolly Vargas, may asawa at empleyado sa Harbor Center. Naging text­mate umano niya ang biktimang itinago sa alyas na Shiela.

Sinabi ng ina ni Shiela na si Aling Nena na noon pang Disyembre 18, 2009 naganap ang pangga­gahasa umano pero, dahil ayaw pakasalan o panagu­tan ng suspek ang kanyang anak, ninais na niyang makulong ito.

Sinabi ng ginang na nagkakilala sina Shiela at Vargas dahil magkatabi lamang ang pinapasukan ng suspek sa karinderya kung saan tindera ang anak.

Sa pamamagitan ng text mula sa suspek ay pina­punta umano ang biktima sa barracks malapit din sa bahay ng dalaga.

Nang hanapin ng gi­nang ang anak ay sinilip niya ang barracks na patay ang ilaw subalit nang may kumakalampag ay puwer­sa­han niyang itinulak ang pintuan at doon naaktu­hang nakapatong pa ang suspek sa anak.

Mabilis na lumabas ang suspek na nagsuot lamang ng pang-ibaba habang ang anak ay wala nang saplot sa pang-ibaba.

Sinabi naman ng sus­pek na may-asawa siya at hindi niya pakakasalan ang biktima.

Inamin ng biktima na meron nang nangyari sa kanila ng suspek pero pina­bulaanan niya na kasin­tahan niya ito. (Gemma Garcia)

vuukle comment

ALING NENA

DISYEMBRE

GEMMA GARCIA

HARBOR CENTER

INAMIN

ROLLY VARGAS

SHIELA

SHY

SINABI

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with