^

Metro

Mini shabu lab sa Pasig, ni-raid

-

MANILA, Philippines - Hindi pa madetermina ng National Bureau of Investigation (NBI) ang halaga ng shabu na nasamsam mula sa isang mini-shabu laboratory sa isinagawang pagsalakay sa isang unit ng Skyway Twin Towers, sa Brgy. Oranbo, Pasig City, Martes ng gabi.

Sa ulat ng NBI-National Capital Region (NCR) na pinangunahan ni Executive Officer Rommel Vallejo, isinagawa ang raid matapos magbigay ng impormasyon ang ilang security guard ng nasabing condominium hinggil sa mabahong amoy sa isang unit ng binabantayang gusali.

Agad na kumuha ng search warrant ang NBI-NCR team at sinalakay ang unit na nasa ika- 24 na palapag ng nasabing gusali na inookupahan umano ng tatlong Chinese nationals .

Wala nang dinatnan ang mga operatiba ng salakayin ang unit, dahil inabandona na umano ng mga tenants ang unit at naiwan na lamang ang mga kemikal sa paggawa ng shabu tulad ng ephedrine at red phosphorous, na kung patutuyuin ay isa nang finish product.

Narekober din ang ilang laboratory equipment sa pagluluto ng shabu, residues ng shabu at tatlong identification cards na may mga pangalang Willy Chua, William So at Lyn Xia. Nang beripikahin naman ay lumitaw ang pangalang Joselito So, na siyang may lease contract simula pa noong Hunyo 2009. Nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa International Police Organization upang matukoy kung ang mga suspek ay ang nasa mga ID o gumagamit ng ibang pangalan.

Patuloy pang nagsasagawa ng follow-up operations ang NBI upang matukoy at maaresto ang operator ng nasabing mini-shabu laboratory. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

EXECUTIVE OFFICER ROMMEL VALLEJO

INTERNATIONAL POLICE ORGANIZATION

JOSELITO SO

LUDY BERMUDO

LYN XIA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION

PASIG CITY

SKYWAY TWIN TOWERS

WILLIAM SO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with