^

Mapang-asar na kapitbahay itinumba

() - December 21, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na ka­ma­tayan ang sinapit ng isang 46 anyos na lalaki makaraang tadtarin ito ng taga ng kanyang kapit­bahay nang magkapiku­nan kahapon ng mada­ling-araw sa Muntinlupa City.

Sari-saring malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng mukha at ka­ta­wan ang agad na tu­mapos sa buhay ng bik­timang si Ronnie Evan­gelista, ng Block 7 Lot 538 Sitio Bagong Silang, Sucat, ng naturang lungsod.

Kusang-loob namang sumuko ang karpinterong suspek na si Riel Cadis, 37, kalugar din ng bik­tima. Nakadetine ito nga­yon sa Muntinlupa Police detention cell at naka­takdang sampahan ng kasong murder.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang krimen da­kong alas-12:30 ng ma­daling-araw nang mag­kita ang dalawang lalaki na kapwa nakainom ng alak. Nabatid na, tuwing nalalasing, likas na ma­pang-asar umano ang biktima sa kanyang mga kapitbahay lalo na sa sus­pek na paborito ni­tong asarin ngunit dahil sa nakainom rin si Cadis ay pinatulan nito ang biktima na nagresulta sa pagtatalo.

Nagpasyang umuwi si Cadis ngunit lubhang makulit si Evangelista na sinundan pa ang una sa bahay nito habang nang-aasar. Dito na kumuha ng itak ang suspek sa kanyang bahay at sunud-sunod na pinagtataga ang biktima hanggang sa matiyak na patay na ito. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA DITO EVANGELISTA KALUNUS MUNTINLUPA CITY MUNTINLUPA POLICE RIEL CADIS RONNIE EVAN SHY SITIO BAGONG SILANG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with