^

Metro

2 empleyado inambus, todas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang empleyado ng isang slaughter house o katayan ng hayop ang na­matay nang tambangan at pagbabarilin sila ng mga armadong lalaki habang naghahatid sila ng mga baboy sa Barangay Fair­view, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang mga biktima na sina Ramy Latigo, 32, may-asawa, at Reynante Grenas, 40, may asawa. Si Latigo at Grenas ay operational manager at matadero, ayon sa pagkakasunod, ng Naculangga Hog Dealer.

Ayon kay SPO2 Leo­nardo Pasco, hepe ng Investigation Unit ng Quezon City Police, tatlong mga arma­dong kalalakihan na lulan ng isang itim na wagon na walang plaka ang nanam­bang sa mga biktima.

Nakaligtas sa pama­mas­lang ang mga pahinan­teng kasama ng mga biktima na sina Renato Villarosa, Lo­redo Escopeta, George del Monte at Jessie Remadero.

Sa ulat ni PO2 Norlan Margallo, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue, Casa Milan Neopolitan Village, Barangay Fairview.

Tumatahak sa naturang lugar para maghatid ng mga baboy na lulan ng Isuzu Elf at nagmula pa sa Tungkong Mangga sa San Jose Del Monte, Bulacan ang mga biktima nang paulanan sila ng bala ng mga suspek.

Nakaligtas naman sa pamamaril ang iba pa nilang kasamahan na nakasakay sa likuran ng naturang sa­sakyan.

vuukle comment

BARANGAY FAIR

BARANGAY FAIRVIEW

CASA MILAN NEOPOLITAN VILLAGE

COMMONWEALTH AVENUE

INVESTIGATION UNIT

ISUZU ELF

JESSIE REMADERO

NACULANGGA HOG DEALER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with