Opisyal ng LTO timbog sa kotong
() - September 26, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang mataas na opisyal ng Land Trans­portation Office (LTO) ang inaresto ng mga elemento ng LTO sa pakikipag-tulungan ng CIDU-CIDG-NCR sa isang entrapment operation sa loob ng Traffic Edjudication Service Office (TESO) ng LTO.

Kinilala ang nadakip na si Mr. Manuel Radaza, 63, ng B-119 Kagitingan Road, Cainta Rizal at kasalukuyang hearing officer­ ng LTO-TESO.

Si Radaza ay inaresto makaraang ireklamo ng isang Joemarie Makarucon , 38, driver ng Alley 3 St., Purok 5 Sitio Kumunoy, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City. Nang mahuli, nakumpiska mula dito ang tatlong mark money na P300 na sinasabing nakotong ng suspek mula sa biktima.

Makaraang maimbestigahan ni Atty. Eduardo Ocampo-LTO Legal Counsel, ang suspek ay dinala na sa Camp Crame para sa pormal na pagsasampa ng reklamo laban dito. (Angie dela Cruz)

BAGONG SILANGAN CAINTA RIZAL CAMP CRAME EDUARDO OCAMPO JOEMARIE MAKARUCON KAGITINGAN ROAD LAND TRANS LEGAL COUNSEL MR. MANUEL RADAZA QUEZON CITY SI RADAZA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with