^

Metro

Biyenan ni Ruby Rose Barrameda sumuko

-

MANILA, Philippines - Sumuko na kahapon ng hapon sa Angono Police ang pangunahing suspect sa pa­ mamaslang kay Ruby Rose Barrameda-Jimenez.

Pasado alas-2 ng hapon nang personal na sumuko si Atty. Manuel Jimenez Jr., resi­dente ng BF Homes, Para­ñaque City, kay Angono Police Officer-in-Charge Supt. Rom­mel Estolano.

Si Atty. Jimenez ay father-in-law ni Ruby Rose na siya ring itinuturong pangunahing sus­pect sa brutal na pama­maslang sa huli ay sumuko ilang araw ma­­tapos na usigin ito sa korte at palabasan ng war­rant of arrest. Agad na­mang dinala si Atty. Jimenez sa Angono Me­di­cal Hospital para sa medical check-up nito bilang bahagi ng standard ope­rating proce­dure ng pu­lisya sa pro­seso ng pagsuko nito.

Nabatid na ang pagsuko ni Atty. Jimenez ay matapos na mag-isyu ng warrant of arrest si Malabon City RTC Branch 170 Judge Hector Almeyda sa kasong murder na kinaka­harap ng una sa pamamas­lang kay Ruby Rose.

Batay sa ulat, si Atty. Jime­nez ay kasalukuyang nasa bahay ng kanyang misis na si Jocelyn Merced, sa Nieves St., Brgy. San Isidro, Angono nang makara­ting sa kanyang ka­alaman na naglabas na ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya.

Batay naman sa nakalap na impormasyon, kasunod ng kanyang pagsuko ay handa na umano si Atty. Jimenez na ha­rapin ang naturang kaso ha­bang siya ay nakakulong.

Magugunita na si Atty. Jimenez­ ay nahaharap sa ka­song murder na walang ka­­ukulang piyansa matapos na ituro ito na siyang “utak” sa pama­maslang kay Ruby Rose na matapos brutal na pasla­ngin ay isinilid pa sa isang steel case at isini­mento sa loob ng isang drum bago itapon sa baybayin ng Ma­labon City, hindi ka­la­yuan sa kompan­yang pag-aari ng pa­milya ng una. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ANGONO ME

ANGONO POLICE

ANGONO POLICE OFFICER-IN-CHARGE SUPT

ATTY

BATAY

JIMENEZ

JOCELYN MERCED

JUDGE HECTOR ALMEYDA

MALABON CITY

RUBY ROSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with