^

Metro

Mister dakma sa sex video

- Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Hindi nagtagumpay ang isang 31-anyos na mister sa maitim nitong balakin sa pagpapakalat sa inter­ net ng sex video nila ng 22-anyos niyang ex-girlfriend ma­kara­ang isuplong ito ng babae at maaresto ang una sa isina­gawang entrapment operation sa Pasig City.

Agad na sinampahan kahapon ng umaga sa Pasig City Prosecutor’s Office ng kasong robbery extortion in relation to violation of Republic Act #9262 o paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act ang suspect na si Michael Sunico, residente ng Ibarra St., Sampaloc, Manila.

Nabatid na nag-ugat ang pagkakaaresto sa suspect nang mismong ang dating ka­sintahan nito na si Krystelle Anne ng Cainta, Rizal ay per­sonal na mag­reklamo sa awtoridad hing­gil sa naunang balak ng huli sa sana’y pagpa­pa­kalat nito sa internet ng kanilang sex video.

Una rin umanong tina­kot ng suspect ang biktima na kapag hindi ito nagbigay ng ka­ukulang halaga ay sadyang ipapakalat niya sa internet ang kanilang sex video na kuha sa cellular phone ng lalaki.

Bunga nito ay nakipag­kasundo ang biktima sa suspect na magbibigay na lamang siya ng P3,000 ka­palit ng hindi na pagpapa­kalat ng huli sa internet ng kanilang sex video.

Alas-10:40 naman ng gabi nang makipagkita ang dalaga sa dating kasinta­han sa Aruba KTV Bar sa Metrowalk Com­mercial Complex, Meralco Avenue, Pasig City at dala ang naturang halaga.

Lingid naman sa kaala­man ng suspect ay una nang pumoste sa lugar ang opera­tiba ng Pasig Police District and Detective Management Division at nang akmang ina­abot na nito sa biktima ang naturang ha­laga na nagsilbing marked money ay agad na di­nakma ito ng operatiba.

Nabawi naman sa po­ses­­yon ng suspect ang isang Nokia cellphone na nagla­laman ng mga text messages ng pananakot sa biktima at ng nasabing sex video pati na ang marked money.

vuukle comment

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN ACT

IBARRA ST.

KRYSTELLE ANNE

MERALCO AVENUE

METROWALK COM

MICHAEL SUNICO

PASIG CITY

PASIG CITY PROSECUTOR

PASIG POLICE DISTRICT AND DETECTIVE MANAGEMENT DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with