^

Metro

8 sugatan sa pagsabog ng LPG

-

Walo katao ang iniulat na na­sugatan sa naganap na mag­ka­hiwalay na pagsabog na LPG na naganap sa Pasig at Maynila.

Sugatan ang isang lalaki makaraang masabugan ito ng tangke ng liquiefied petroleum gas (LPG) matapos na mag­sindi ng sigarilyo sa loob ng kanilang bahay kamaka­lawa ng gabi sa Pasig City.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa UERM hospital sanhi ng tinamong mga sunog sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan ang biktimang si Arturo Arevalo, ng Karangalan Vil­lage ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi ng umuwi ng bahay ang biktima galing sa isang Christmas party.

Nagsindi umano ng si­garilyo ang biktima pagpasok sa parte ng kusina ng bahay na siyang pinagmulan ng malakas na pag­sabog na ikinasira din ng ki­same at ibang parte ng ­kabahayan.

Naging maagap naman ang responde ng mga bum­bero kaya hindi na lumala ang sunog habang dinala ang bik­tima sa nasabing pagamutan.

Teorya ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pasig police, posibleng sumingaw ang tangke ng LPG na gina­gamit ng pamilya ng biktima at dahil sa kulob ang kaba­hayan, kumalat lang sa paligid ang gas at ang pagsindi ng sigarilyo ng biktima ang siyang hudyat para umapoy ang kumalat na gas sa hangin na siyang dahilan ng pag­­sabog nito.

Patuloy pa rin ang imbesti­gasyon para malaman ang sanhi ng nasabing pagsabog.

Samantala, pito katao ang sinasabing isinugod sa mag­ka­kaibang ospital matapos sumabog ang isang may ‘si­ngaw’ na tangke ng LPG kama­kalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Ma­nila Fire Department (MFD), dakong alas-12:51 ng hapon ka­maka­lawa nang sumabog ang isang tangke ng LPG sa loob ng Baby Blue laundry sa #1238 Cas­tañas St., Sampaloc.

Malubhang nasugatan at nasunog ang mukha at kata­wan ng mga trabahador ng nasabing laundry na kini­lalang sina Leo­nida Loyola, 54; Jimmy Tabuldo, 44; George Tabuldo, 21; Richard Indocil, 19; Jole Mana-ay; Bertucio Requito at Rusbina Forsana.

Wala namang sunog na na­ganap subalit ang pag­sabog umano ay lumikha ng ma­laking pagkawasak sa ding­ding ng maliit na laundry. (Edwin Balasa at Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARTURO AREVALO

BABY BLUE

BERTUCIO REQUITO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

EDWIN BALASA

FIRE DEPARTMENT

GEORGE TABULDO

JIMMY TABULDO

JOLE MANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with