^

Metro

3 biktima ng salvage natagpuan

-

Tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwala­ang biktima ng salvage at may marka ng sakal sa leeg, nakasilid sa magkakahiwalay na sako ng bigas ang natagpuan sa tambak ng basura, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Det. Rommel Del Rosario ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang matuklasan sa tambakan ng basura sa Road 10, Lakandula St, Tondo, Manila, ang bangkay ng tatlong biktima ng basurerong si Randy Gigante, 21. 

Sa pag-aakala ni Gigante na mapapakinabangan ang laman ng mga sako ay hinalungkat at pilit na inalis ang nakadugtong na packaging tape at nakita niya na mga tao lahat ang laman nito.

May kabuuang 6 na sako ng bigas ang ginamit sa tatlong lalaki. Sa pagsusuri ng pulisya, nakita ang bakas ng pagkakasakal sa leeg na pinaniniwalaang ikinamatay ng mga lalaki bago ito isinako. Posibleng pinatay umano ang tatlo dakong ala-1 ng madaling-araw. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

HOMICIDE SECTION

LAKANDULA ST

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

POSIBLENG

RANDY GIGANTE

ROMMEL DEL ROSARIO

TATLONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with