^

Metro

2 Koreano nilooban, P12-milyon tangay

-

Umaabot sa P12 milyon halaga ng pera at mga mama­haling alahas ang nawala sa dalawang Koreano makara­ang pasukin ng mga armadong ka­la­lakihan ang kanilang con­do­minium unit sa lungsod ng San Juan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Joong Nam Yoon 60, at Kim Oek Hyun 61, pansa­man­talang naninirahan sa Unit 602 Richbelt Tower na mata­tagpuan sa kahabaan ng Annapolis St. Greenhills, San Juan.

Ayon sa ulat ng San Juan police, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi kama­kalawa nang pasukin ng apat na magnanakaw at tatlo sa mga ito ay armado ng maiikling kalibre ng baril ang tinutuluyang unit ng mga biktima.

Matapos itali ang dalawang biktima ay nilimas ng mga sus­pek ang pera ng mga ito na kina­bibilangan ng 300 million won (P10 million) $2,000 (P98,000) at P1,800.

Kinuha rin ng mga suspek ang iba’t ibang mamahaling alahas ng mga ito na umaabot umano sa P600,000 na kinabi­bilangan ng isang gintong kuwintas na nagkakahalaga ng $4,000, gold bracelet na $2,000, Cartier watch na nagkaka­halaga ng $2,700 at Omega watch na may halagang $2,000.

Hindi rin pinatawad ng mga magnanakaw ang cellphone ng katulong ng mga Koreanong biktima at pati ito ay kanilang tinangay bago mabilis na nagsi­takas palabas ng nasabing unit.

Kasalukuyang nagsasa­gawa ng follow-up operation ang pulisya para sa agarang pag­­lutas ng kaso. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANNAPOLIS ST. GREENHILLS

AYON

EDWIN BALASA

JOONG NAM YOON

KASALUKUYANG

KIM OEK HYUN

RICHBELT TOWER

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with