Kinalasan ng lover, waitress nagbigti
() - October 30, 2008 - 12:00am

Gamit ang isang ‘malong’ nagbigti ang isang 24-anyos na waitress sa loob ng kanyang inuupa­hang silid bunga ng paki­kipagkalas ng kan­yang boyfriend na may-asawa na, sa Singalong, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Matigas na ang bang­kay nang matagpuan ang biktimang si Hermie Sen­tido, ng 2412 G. Del Pilar St., Singalong, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-5:00 ng hapon nang madiskubre ang bang­kay ng biktima. Isang malong na itinali sa hawa­kan ng cabinet ang siyang ginamit nito sa pagpapa­kamatay.

Nakuha ng imbesti­gador sa tabi ng biktima ang cellphone na naglala­man ng text message na ipi­nadala sa boyfriend nitong si “Josh” na nagsa­ saad na “Maraming sala­mat, alam kong katanga­han kung gagawin ko, hindi ko kaya ang ginawa mo sa akin. Salamat, nakaready na ako, isang sipa ko lang dito sa upuan mabibigti na ako. Ilang minuto na lang patay na ako. Salamat, kita na lang tayo sa impiyerno.“

Sinabi ni Ocampo na nag-usap ang dalawa (bik­tima at si Josh) hinggil sa pagkalas sa relasyon ng lalaki upang ayusin na ang relasyon sa kanyang tunay na asawa.Subalit hindi umano ito matanggap ng babae kaya naisipang mag­pakamatay. (Ludy Bermudo)

DEL PILAR ST. GAMIT HERMIE SEN ILANG ISANG LUDY BERMUDO MARAMING MAYNILA SHY SINGALONG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with