^

Metro

Rapist ng paslit, arestado

-

Isang 23-anyos na lalaki ang inaresto ng pulisya matapos nitong halayin ang 3-anyos na paslit na anak ng kanyang ka-live-in kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Nakakulong at nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse ang suspek na si Jade Dablo, nakatira sa Lingunan ng lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 9:00 ng gabi, umuwi ng kanilang bahay sa nasabing lugar ang ina ng biktima kung saan napansin nito na sarado ang kanilang bahay. Pilit na pumasok ng bahay ang babae at nakita nitong nakahubo ang kanyang anak at umiiyak.

Sinabi naman ng suspek na umihi ang biktima kung kaya ito nakahubo subalit nang linisan ang bata ay may naamoy ang ina nito na kakaiba sa ari nito. Naghinala ang babae na naging dahilan kaya tumawag ito ng barangay tanod at pinaaresto ang suspek at dinala sa presinto. (Lordeth Bonilla)

AYON JADE DABLO LINGUNAN LORDETH BONILLA NAGHINALA NAKAKULONG PILIT SINABI VALENZUELA CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with