^

Metro

Bilang ng out-of-school youth mababawasan sa Maynila

-

Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na mababawa­san ang bilang ng mga out-of-school youth sa su­sunod na taon matapos na pa­sina­yaan ang bagong   school building na magbi­bigay ng libreng elemen­tarya sa Francisco Balag­tas Elementary School sa Sta. Cruz Maynila. Ayon kay Lim, ang bagong school building ay mayroong 12 classrooms kung saan ang apat dito ay ilalaan naman sa mga kindergarten pupil. Bawat kindergarten class­rooms ay mayroong mga palikuran at lababo.

Nabatid na ang three-storey school building ay maaaring makapag-ac­com­­modate ng 3,000 es­tud­yante na magsisilbi ding modelo ng iba pang mga paaralan na kailangan nang ipaayos. Sinabi ni Lim na ang bagong tayong paaralan ay unang bahagi lamang ng three-phase project na naglalayong ma­bigyan ng maayos na edu­kasyon ang mga mahi­hirap na estudyante mula sa ikatlong distrito ng May­nila. Matatandaan na na­sunog ang nasabing pa­aralan noong Hulyo, 2007 kung kaya’t kinailangan ita­yong muli. (Doris Franche)

vuukle comment

CRUZ MAYNILA

DORIS FRANCHE

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with