Holdaper todas sa shootout

Patay ang isang hindi pa nakikilalang holdaper makaraang makipag­ba­rilan umano sa mga mi­yem­bro  ng Quezon City Police District (QCPD) matapos na holdapin ang isang taxi driver kahapon ng madaling-araw sa na­turang lungsod.

Patuloy pa ring ina­alam ng mga awtoridad ang pag­kakakilanlan sa napas­lang na suspek ha­bang naka­takas naman ang da­lawa nitong ka­samahan.

Sa ulat ng QCPD-Sta­tion 1, naganap ang bari­lan dakong alas-5 ng umaga sa Araneta Avenue malapit sa Sto. Domingo Church. Nabatid na su­ma­kay ang tatlong sus­pek sa taxi sa may Ca­loocan City at nag­ pahatid sa Quezon City bago nag­deklara ng holdap.

Namataan naman ng mga nagpapatrulyang pu­lis ang kahina-hina­lang kilos ng mga suspek sa may Banaue St. na nagre­sulta sa habulan.  Nang ma­korner, nagpa­putok umano ang mga salarin kaya gumanti ang mga pulis. Isa sa tatlo ang na­sawi, habang na­ka­takas naman ang da­lawa nitong kasamahan.

Samantala, isang la­laki naman ang nasawi sa may Sampaguita St., Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City makaraang pagsasak­sakin ng may 10 lalaki. Na­kilala ang bik­tima na si Larry de Guz­man, 35, truck helper.

Nabatid naman na dati umanong nakulong ang sus­pek at napalaya la­mang nang mabigyan ng parole. Hindi pa na­man ma­­batid ang motibo sa na­turang pa­mamas­lang. (Danilo Garcia)

Show comments