^

Metro

Parak, emisaryo timbog sa kotong

- Joy Cantos -

Nalambat ng mga opera­tiba ng Drug Enforcement Unit ng Taguig City  Police Station ang isang  tiwaling pulis na pinaghi­hinalaang kasapi ng “Taguig Ninja“ at ang kasabwat nitong ba­baeng emisaryo matapos na ireklamo ng pangongotong sa isinaga­wang entrapment operation   sa Taguig City.

Kinilala  ang naarestong suspect na  si PO2 Ruchyl Gasid, kasapi ng Anti-Illegal Drugs Investigation Division Special Operations Task Group ( District Enforcement Unit ) DEU  ng Taguig Police Station. Gayundin  ang kasabwat nitong si Elsa Upan na hindi nakapalag matapos na posasan ng arresting team ng pulisya. 

Ang dalawa ay inaresto sa ak­tong  tinatanggap ang  P70,000 marked money mula sa Geralsa Languiab, asawa ng nakakulong na si Sidin Lan­guiab na inaresto ng grupo ng nasa­bing parak na kasapi ng “Taguig Ninja”. Ang “Taguig Ninja” ay isang grupo ng mga tiwaling pulis na sangkot umano sa hulidap. 

Base sa reklamo ni Gng. Lan­guiab,  Mayo 14 nang sala­kayin ng nasabing pulis  at ng isa pa nitong kasamahan ang kanilang tahanan saka inaresto ang kaniyang mister. Naghalug­hog umano sina Gasid  maging sa kisame ng kanilang tahanan at ng walang makitang droga ay tinangay ang diver’s watch ng kanyang asawa, dalawang cell­phone at ang pera nitong P100,000 na di pa nakuntento ay binitbit ito at ikinulong pa  sa presinto ang kaniyang mister.

Sa pamamagitan naman ng emisaryong si Upan , sinabi nito na humihingi umano si Gasid ng P 50,000 kapalit ng kalayaan ng kanyang asawa para ’di na ituloy  ang kaso laban dito. 

Ang nasabing halaga ay pina­ dagdagan pa umano ng P20,000. Dito na inihanda ang bitag sa grupo ng suspect na nag­resulta sa pagkaaresto sa dalawa. Sa nasabing pay-off ay naka­takas ang isa pang suspect na kini­lalang si PO2 Ronnie Fabroa.

vuukle comment

DISTRICT ENFORCEMENT UNIT

DRUG ENFORCEMENT UNIT

DRUGS INVESTIGATION DIVISION SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

SHY

TAGUIG CITY

TAGUIG NINJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with