^

Metro

Mister iniwan ng pamilya, nagbigti

- Ricky ­Tulipat -

Dahil sa hindi  ma­tang­gap ng isang mister na iniwan siya ng kan­yang misis kasama ang ka­nilang dalawang anak, ipinasya nitong tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti  sa lungsod ng Valen­zuela, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Si George Fulgar, 29, factory worker, tubong Lingayen Pangasinan at residente sa #293 C. San Juan St., Paso de Blas ay natagpuan na lamang ng ilang kapitbahay na naka­bitin sa kisame ng kan­yang tahanan dakong alas-10:30 ng umaga.

Agad na ipinagbigay alam ng mga residente ang natuklasan sa pulisya kung saan tinangka pa itong iligtas ngunit huli na ang lahat.

Lumilitaw sa pagsisi­ya­sat ni PO3 Richard Bau­­tista, bago nangyari ang pagpapatiwakal ng biktima ay nagkaroon ito ng hindi pagkaka­una­waan sa misis na si Judy Rissa Fulgar na naging ugat upang iwan siya nito ka­sama ang dalawa niyang anak. Dahil dito, naging ma­lulungkutin ang bik­tima at parating wala sa sarili hanggang sa ma­tuk­lasan na lamang itong nakabitin sa loob ng kan­yang tahanan.

vuukle comment

DAHIL

JUDY RISSA FULGAR

LINGAYEN PANGASINAN

LUMILITAW

RICHARD BAU

SAN JUAN ST.

SHY

SI GEORGE FULGAR

VALEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with